MANILA, Philippines - Patay agad ang isang 36-anyos na dalaga matapos na umano’y tumalon ito sa mahigit sa 20 talampakang taas ng Metro Rail transit sa hindi mabatid na kadahilanan sa lungsod ng Mandaluyong kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Evelyn Rosadiño, na may postal address na Ph 10-A Purok 4 Block 38 Lot 7 Bagong Silang, Caloocan city.
Batay sa ulat ni PO3 Joel Catubay ng Man daluyong City Police, nangyari ang insidente sa may MRT Shaw Blvd. Station crossing ng Edsa ng nasabing lungsod ganap na alas-6:45 ng gabi
Sa inisyal na imbestigasyon, nakita na lamang umano ng saksing si Jeffrey Tabac, 14, nang biglang tumalon ang biktima habang nakatayo ito sa iron fence ng nasabing station.
Sa pagtalon ng biktima ay mabilis na bumulusok ito paibaba ng kalsada ng Edsa sa tapat ng Shangrila mall hanggang sa mawalan ito ng malay.
Nang puntahan ng mga usisero ay nakitang nakahandusay sa nasabing lugar ang biktima at wala nang buhay.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng may mabigat na problema ang biktima kung kaya nagpasyang tumalon sa nasabing lugar, ngu nit patuloy ang kanilang imbestigas yon sa pangyayari upang matukoy ang tunay na dahilan nito.