^

Metro

Dalaga tumalon sa MRT station patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay agad ang isang 36-anyos na da­laga ma­tapos na umano’y tuma­lon ito sa mahigit sa 20 talam­pakang taas ng Metro Rail transit sa hindi mabatid na kadahila­nan sa lungsod ng Manda­luyong kama­kalawa.

Kinilala ang nasawi na si Evelyn Rosadiño, na may postal address na Ph 10-A Purok 4 Block 38 Lot 7 Bagong Silang, Caloocan city.

Batay sa ulat ni PO3 Joel Catubay ng Man­ da­­lu­yong City Police, nang­yari ang insi­dente sa may MRT Shaw Blvd. Station crossing ng Edsa ng nasabing lungsod ga­nap na alas-6:45 ng gabi

Sa inisyal na imbes­tigasyon, nakita na lamang umano ng sak­sing si Jeffrey Tabac, 14, nang big­lang tu­malon ang biktima habang nakatayo ito sa iron fence ng na­sabing station.

Sa pagtalon ng bik­tima ay mabilis na bu­mu­lusok ito paibaba ng kal­sada ng Edsa sa tapat ng Shangrila mall hang­gang sa mawalan ito ng malay.

Nang puntahan ng mga usisero ay na­kitang nakahandusay sa nasa­bing lugar ang biktima at wala nang buhay.

Ayon sa mga awto­ridad, posibleng may mabigat na problema ang biktima kung kaya nag­pasyang tumalon sa na­sabing lugar, ngu­ nit pa­tuloy ang ka­nilang imbes­tigas­ yon sa pang­yayari upang matukoy ang tunay na dahilan nito.

vuukle comment

A PUROK

BAGONG SILANG

CITY POLICE

EDSA

EVELYN ROSADI

JEFFREY TABAC

JOEL CATUBAY

METRO RAIL

SHAW BLVD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with