Bentahan ng LPG sa MM, balik normal
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Arnel Ty, pangulo ng Liquefied Petroleum Gas Marketing Association na magiging normal na ang bentahan ng LPG sa Metro Manila bunga ng pagdating ng suplay nito dahil sa pagbagsak ng presyo nito sa world market.
Ayon kay Ty, masisiguro na nilang normal ang suplay ng LPG sa susunod na buwan dahil bumagsak na ang contract prize nito sa world market, kaya lalong nadagdagan ang suplay nito dahil na rin pagre-release ng kanilang mga gas ng ibang oil company tulad ng Shell at Total. Bukod dito, mayroon na rin umanong shipment ng barko noong nakalipas na linggo na aabot sa 25,000 metric tons at ngayon ay naibaba na ito sa bansa. Ang nasabing gas ay maari na umanong serbisyuhan ang 45 percent ng pangangailangan ng mga consumers sa Luzon.
Inamin ni Ty na ang Liquigas ay ang may pinakamaliit na market share in terms of cylinder, pero isa umano ito sa may pinakamalaking storage sa Pilipinas na nakalagak sa lungsod ng Pasig na inaangkatan umano ng mga retailers.
“Hindi lang po yan, noong nakaraang krisis, ang Petron ay sa kanila na rin daw bumili as of our monitoring, 5, 000 metric tons po ang binili ng Petron sa Liquigas,” sabi pa ni Ty.
Ngunit sa pag-asang magkaroon naman ng rollback dahil sa pagdagsa ng LPG, sinabi ni Ty maaring magkaroon ng rollback sa presyo nito na ngayon ay P555.00 sa pagpasok ng buwan ng Marso. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending