MANILA, Philippines - Dapat umanong kapulutan ng aral ng mga “lovers” ang sinapit ng isang 24-anyos na dalaga matapos na mismong ang boyfriend nito ang nagpakalat ng kanilang sex video, sa Quezon City.
Ang suspek na si Hener Caunte, 21, ay inaresto ng pulisya dahil sa reklamo ng ex-girlfriend nito na itinago sa pangalang Jenny, nang ipakalat ng una ang kanilang sex video sa internet gamit ang email address ng huli.
Ngunit itinanggi naman ng ama ng suspek na si Neri Caunte, ang nasabing reklamo sa kanyang anak at ’di naniniwalang magagawa ito ng una. Itinuro ng biktima sa pulisya na si Caunte ang kumuha ng sex video at ginamit itong ganti laban sa kanya ng makipag-break noong Enero 25 ng magkaroon ng matinding pag-aaway.
Laking gulat na lang ng biktima nang mabatid na naipadala na ng suspek ang sex video sa email-add ng ina nito. Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 – Anti-Violence Against Women and Children Act ang suspek. (Reinir Padua)