^

Metro

Paalala sa mga magde-date sa Valentine, mag-ingat sa sex video

-

MANILA, Philippines - Dapat umanong kapulu­tan ng aral ng mga “lovers” ang sinapit ng isang 24-anyos na dalaga matapos na mismong ang boyfriend nito ang nagpakalat ng kanilang sex video, sa Quezon City.

Ang suspek na si Hener Caunte, 21, ay inaresto ng pulisya dahil sa reklamo ng ex-girlfriend nito na itinago sa pangalang Jenny, nang ipa­kalat ng una ang kanilang sex video sa internet gamit ang email address ng huli.

Ngunit itinanggi naman ng ama ng suspek na si Neri Caunte, ang nasabing rek­lamo sa kanyang anak at ’di naniniwalang magagawa ito ng una. Itinuro ng biktima sa pu­lisya na si Caunte ang ku­mu­ha ng sex video at gina­mit itong ganti laban sa kanya ng makipag-break noong Enero 25 ng magka­roon ng matin­ding pag-aaway.

Laking gulat na lang ng bik­tima nang mabatid na na­ipa­dala na ng suspek ang sex video sa email-add ng ina nito. Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 – Anti-Violence Against Women and Children Act ang suspek. (Reinir Padua)

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN ACT

CAUNTE

DAPAT

ENERO

HENER CAUNTE

NERI CAUNTE

QUEZON CITY

REINIR PADUA

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with