^

Metro

Salvage victim pa natagpuan sa Quezon City

-

MANILA, Philippines - Isa na namang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng “summary execu­tion” ang na­tagpuan kahapon ng umaga sa tapat ng isang pa­aralan sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Inves­ti­gation and Detection unit, dakong alas-6 kahapon ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng lalaki sa tapat ng St. Anthony School sa may kanto ng Regalado Street at Mindanao Avenue Extension, sa naturang lungsod.

May tama ng bala sa ka­tawan ang biktima, nakasuot ng asul na short pants, brown t-shirt, katamtaman ang ka­ta­­wan, nakabalot ng pack­aging tape ang buong mukha, at nakatali ang mga kamay at paa.

Hinihinalang itinapon lamang ang bangkay sa naturang lugar sa magdamag at natagpuan lamang ng isang hindi nagpakilalang bystander nang magliwanag na.

Tulad ng ibang mga kaso ng mga natatagpuang sal­vage victim, blangko rin ang mga awtoridad sa pagkaka­kilanlan sa biktima at sa mga nasa likod ng naturang pama­maslang.

Matatandaan na umalma kamakailan ang Commission on Human Rights (CHR) sa kawalang-aksyon ng Philip­pine National Police (PNP) sa isyu ng summary executions sa bansa. Nitong Enero, 2 bangkay ng hindi nakilalang lalaki ang natagpuan rin sa Quezon City kasabay ng pag­kakatagpo ng isa pa sa Maynila. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

HUMAN RIGHTS

MINDANAO AVENUE EXTENSION

NATIONAL POLICE

NITONG ENERO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVES

REGALADO STREET

SHY

ST. ANTHONY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with