^

Metro

Shipment ng LPG dumating na, rollback inaasahan sa Marso

-

MANILA, Philippines - Dahil na rin sa pagdating ka­­hapon ng malaking shipment ng liquefied petroleum gas (LPG) sa mababang halaga ng contract price nito, nagbigay ng indikasyon ang mga dealers ng nasabing cooking gas na mag­pa­patupad sila ng malakihang rollback para dito pagpasok ng buwan ng Marso.

Ayon kay LPG Marketers Asso­ciation head Arnel Ty, du­mating na kahapon ang nasa 25,000 metrikong tonelada ng LPG para sa major LPG sup­plier na Liquigaz. Maliban pa umano ito sa isa pang malaking shipment sa susunod na linggo.

Sa katunayan ayon pa kay Ty, sobra-sobra na ngayon ang supply ng LPG, taliwas sa nang­yari nitong nakaraang buwan kung saan pahirapan sa pag­ha­hanap ng naturang cook­ing gas. Hindi naman nagbigay ng de­talye si Ty kung magkano ang ma­aaring ipatupad na bawas-presyo sa LPG.

Maging ang mga oil com­panies at refillers naman ay nag­­pahayag din kahapon ng positibong balita hinggil sa usapin ng presyo at supply nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

ARNEL TY

AYON

DAHIL

LIQUIGAZ

LPG

MALIBAN

MARKETERS ASSO

MARSO

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

TY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with