^

Metro

Ginang patay sa SLEX

-

Patay agad ang isang 54-anyos na ginang makaraang mabundol ng rumaragasang sa­sakyan habang tumatawid ito sa kahabaan ng South Luzon Expressway, kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Wala nang buhay nang idating sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Anna Marie Borja, residente ng NBP Magdaong Drive, Arciaga Compound, Brgy. Poblacion sanhi ng mga tinamong pinsala sa ulo at katawan nito.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng Honda Civic na may plakang UGN-523 na si Narciso Melvin, 28, messenger ng Blk 5 Lot 9 Chicago St., Landmark Sub­division, Parian, Calamba City makaraan ang malagim na insidente.

Base sa natanggap na report ni Chief Insp. Noel Bunag, hepe ng Muntinlupa City Traffic Enforcement Unit, dakong alas-6:02 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng Chowking Factory, Brgy. Poblacion sa naturang lungsod habang tahak naman patungong Laguna ang mina­manehong sasakyan ni Melvin.

Nabatid na kasalukuyang tumawid umano sa naturang lansangan ang biktima mula sa naturang factory ng fast food chain patungo sa kabilang kalye nang mabundol ng rumara­gasang sasakyan ng suspect.

Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon pa ang biktima at bumagsak sa mismong wind­shield ng sasakyan na ikinabasag ng salamin bago muling gumulong sa lansangan.

Kaagad namang nakapagresponde ang mga tauhan ng Philippine National Cons­truction Corporation (PNCC) at Bureau of Fire Protection at sila na ang naghatid sa biktima sa Ospital ng Muntinlupa subalit patay na ang ginang nang idating sa naturang pagamutan. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANNA MARIE BORJA

ARCIAGA COMPOUND

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALAMBA CITY

CHICAGO ST.

CHIEF INSP

CHOWKING FACTORY

HONDA CIVIC

LANDMARK SUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with