^

Metro

Dalaga napagalitan ng ama, naglason

-

Nagpatiwakal sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner ang isang dalaga   makaraang mapagalitan ito ng kanyang ama hinggil umano sa pakikipagmabutihan ng una sa manliligaw nito, kamakalawa ng gabi sa Navotas City .

Patay na nang idating sa Tondo Medical Center si   Maricel Beliganio, 21, ng North Bay Boulevard South (NBBS) ng nabanggit na lungsod sanhi ng pagkasira ng vital organ nito bunga ng pag-inom ng naturang nakalalasong kemikal.

Lumalabas naman sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Joseph Provido, may hawak ng kaso, dakong alas-8 ng gabi nang madiskubre ng kanyang ama na si Mang Julio, 60 , ang kanyang anak sa loob ng kwarto nito na bumubula ang bibig.

Kaagad namang dinala nito ang kanyang anak sa nasabing pagamutan subalit huli na ang lahat dahil sa daan pa lamang ay binawian na ito ng buhay.

Napag-alaman naman mula sa ilang kaanak ng biktima, bago umano isagawa ng huli ang pag-inom ng lason ay una itong nakagalitan ng kanyang ama hinggil umano sa ma­gandang pakikitungong ipinapakita nito sa isang binatang manliligaw.

Naniniwala naman ang mga kaanak ng biktima na may posibilidad na ikinasama ng loob ng huli ang tinuran ng kanyang ama kung kaya’t minabuti ng dalaga na wakasan na ang kanyang buhay. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

JOSEPH PROVIDO

KAAGAD

KANYANG

MANG JULIO

MARICEL BELIGANIO

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

ROSE TAMAYO-TESORO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with