Police Bits

Texter ninakawan

Nagte-text si Severiano Emnas Jr., 24 anyos, sa kanyang Nokia 6310 cellphone habang naglalakad siya sa Flovi Homes, Letre, Barangay Tonsuya, Malabon nang hablutin ito ng dalawang snatcher kahapon ng madaling-araw. Nadakip naman ng pulisya kinalaunan ang isa sa mga suspek na si Recto Bartolome, 21.  (Lordeth Bonilla)

Pintor naholdap

Isang 40 anyos na pintor na si Rommel Andress ang malubhang nasugatan nang saksakin ng umano’y miyembro ng OYSTER na si Romeo Quitirio, 36, anyos, makaraang manlaban siya sa pangho­holdap nito sa kanya at sa kanyang live in partner sa Maricaban, Pasay City kahapon ng madaling-araw. (Rose Tamayo-Tesoro)

Todas sa senglot

Binugbog at sinaksak hanggang mapatay si Earl Perez ng ilang kalalakihan na tinawag niyang senglot nang makasalubong niya ang mga suspek sa pagla­lakad niya sa Phase 8B, Bagong Silang, Caloo­can City kamakalawa ng gabi. (Lordeth Bonilla)

Sekyu nabundol

Isang 42 anyos na guwardiyang si Monchito Caliwliw ang nasawi nang mabangga siya ng isang Elena Bus sa pagtawid niya sa Commonwealth Ave­nue, Quezon City sa halip na dumaan sa isang foot­bridge kahapon ng madaling-araw. Sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus na si Sergio Roda Jr., 52. (Danilo Garcia)

Show comments