^

Metro

Kagawad nanunog ng aso, dinakip

-

Inaresto ng mga ope­ratiba ng Manila Police District ang isang 64 anyos na Barangay ka­gawad matapos itong ireklamo ng panununog sa isang aso kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Ramon Cailo, ng Ba­­rangay 571 Zone 56, Palawan St., Sampaloc ng nasabing lungsod.

Ayon kay SPO2 Leo Marquez, Desk officer ng MPD-Station 4, dakong alas-10 ng umaga nang ma­ganap ang pagsunog sa aso sa panulukan ng Palawan St. at Visayas Avenue, Sampaloc.

Naaktuhan ng isang mapagmalasakit na ma­mamayan ang suspek habang binubuhusan nito ng gasolina ang isang babaeng aso bago nito sinindihan ng apoy.

Kaagad na ipinagbi­gay alam sa pulisya ang insidente na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ipinaliwanag naman ng suspek na patay na ang naturang aso kaya sinunog na lamang niya ito kesa mabulok na la­mang sa kanilang lugar.

Sa kabila ng paliwa­nag ng suspek ay sasam­pahan pa rin ito ng kasong cruelty to animals. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

GEMMA AMARGO-GARCIA

INARESTO

IPINALIWANAG

LEO MARQUEZ

MANILA POLICE DISTRICT

PALAWAN ST.

RAMON CAILO

SHY

VISAYAS AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with