^

Metro

15 anyos ginahasa ng 3 kaeskuwela

-

Isang 15 anyos na estudyante ng isang non-formal education ang umano’y halinhinang gina­hasa ng kanyang tatlong kaklase habang nag-iinu­man noong Biyernes ng tanghali sa bahay ng isa sa mga suspek sa San Andres, Bukid, Maynila.

Sa panayam sa biktimang si Juliet, (di tunay na pangalan), residente ng Pedro Gil, Maynila, pinilit umano siyang bitbitin papuntang 2nd floor ng suspek na sina Daryl Kenneth Rosales, 20, ng Muñoz St.,San Andres Bukid; Mark Julian Santos,19, ng Quiapo, Maynila; at Christian Lacheco, 20, ng Oro 8, Dagonoy, San Andres Bukid, Maynila.

Dakong alas-12:00 ng tanghali umano ng maganap ang insidente habang nag-iinuman ang mga ito sa bahay ni Rosales.

Si Rosales umano ang naunang gumahasa sa biktima at sinundan pa ito ng dalawa. Subalit hindi pa umano nakuntento ang una ay dinala pa siya nito sa isang motel sa Tayuman kasama sina Santos at isa nitong nakilala lamang sa pangalang “Apple”.

Nag-check-in umano ang mga ito sa motel dakong alas-6:00 ng gabi at alas-7:00 na ng umaga kinabukasan sila lumabas .

Sumakay na lamang ang biktima sa isang pam­pasaherong jeepney pauwi sa kanilang bahay bago nagsumbong sa kanyang nanay na siya ka­agad nagsumbong sa Manila Police District Womens Desk section kayat kaagad nadakip sina Rosales at Santos.

Nakapiit ngayon si Rosales at Santos sa MPD-Integrated Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

CHRISTIAN LACHECO

DARYL KENNETH ROSALES

GEMMA AMARGO-GARCIA

INTEGRATED JAIL

MANILA POLICE DISTRICT WOMENS DESK

MARK JULIAN SANTOS

MAYNILA

PEDRO GIL

SAN ANDRES

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with