^

Metro

Pusher nalambat

-

Hindi na nakawala ang dalawang Caviteño na sina Eric Monson, 35, at Angel Tamayo, 53, na umano’y drug pushers nang arestuhin ang mga ito ng Ca­loocan Police dakong ala-1 ng hapon kahapon habang nagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer sa loob ng isang food chain sa 5th Avenue Caloocan City. Tila nakatunog ang mga suspek kaya di ti­nanggap ang marked money mula sa pekeng buyer ngunit nang kapkapan ay nakuha sa mga ito ang 24.13 gramo ng shabu. (Lordeth Bonilla)

Ayaw sa tagay, inatado

Inatado ng saksak at nasa kritikal na kalagayan ngayon ang 23-anyos na si Albert Ballantos ng kan­yang kapitbahay na nakilala lang sa pangalang alyas Tony at Charlie Flores nang tumanggi ang biktima sa tagay ng alak na inialok ng mga suspek dakong alas-10:10 ng gabi sa Apelo Cruz St., Pasay City. Masusi naman na pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek na agad tumakas matapos ang insidente. (Lordeth Bonilla)

Pulis binoga

Kritikal ang kalagayan ngayon ni PO2 Miguelito Pontente, 40, nang barilin habang nasa loob ng pam­pa­saherong jeep ng suspek na nakilala lang sa alyas Rex Maranaw na sakay ng motorsiklo dakong alas 4-ng madaling-araw sa Hidalgo St., Quiapo, Maynila. Bigla na lang lumapit ang suspek na ngayon ay pinaghahanap sa nakatalikod na biktima at agad na binaril sa batok. Nang bumulagta ay kinuha nito ang baril ni Potente at kaswal na tumakas. (Ludy Bermudo)

Holdaper napatay

Napatay ang isang hindi pa nakikilalang holdaper nang makipagbarilan sa mga pulis matapos na hol­dapin ang negosyanteng si Roselo Cabanero dakong 12:20 ng tanghali kahapon habang nag-aabang ng masasakyan sa Quirino Hi-way, Barangay Sangan­daan, Novaliches, Quezon City. Sinita ng mga otoridad ang suspek ngunit sa halip na huminto at sumuko ay nakipagbarilan ito na nagresulta ng kan­yang kamatayan. (Angie dela Cruz)

Pikunan

Agaw-buhay ngayon ang binatang si Marlon Lag­bayo nang pagsasaksakin ng katrabaho na nakilala lang sa pangalang alyas Bilot nang magkapikunan habang nag-iinuman dakong alas-10:30 ng gabi kama­kalawa sa Kalamansi St., Tumana, Marikina City. Masusi naman na pinaghahanap ng pulisya ang suspek. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALBERT BALLANTOS

ANGEL TAMAYO

APELO CRUZ ST.

AVENUE CALOOCAN CITY

BARANGAY SANGAN

CHARLIE FLORES

LORDETH BONILLA

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with