^

Metro

2 holdaper itinumba sa Pasig

-

“Huwag tularan ako na snatcher. Magbago na po kayo. Huwag gagalawin ang karton sa katawan ng mga biktima.”

Ito ang mga katagang nakasulat sa katawan ng dalawang kalalakihang pi­naghihinalaang mga hol­da­per matapos na pagba­barilin ng hinihinalang miyembro ng vigilante group sa isang palengke sa Pasig City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga nasawi na sina Marlon Gardoze, 23, binata, at Andrew Sa­langoste, 24, kapwa ng Brgy. Pinagbuhatan ng na­banggit na lungsod.

Ang mga biktima ay nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa ulo, kung saan dead-on-the-spot si Sala­ngoste habang si Gardoze ay nagawa pang maitakbo sa Pasig City General Hospital ngunit hindi na rin umabot nang buhay.

Malaki ang paniwala ng mga awtoridad na miyem­bro ng isang vigilante group base ang may kaga­gawan ng pamamaslang dahil na rin sa estilo ng pag­patay na ginawa sa mga biktima.

Nabatid na bago natuk­lasan ang mga katawan ng biktima ay isang tawag sa telepono mula sa isang con­cerned citizen ang na­tanggap ng Pasig Police ka­ugnay sa pamamaril na naganap sa Caruncho Ave., harap ng Lianas Su­permarket, Brgy. Palatiw, Pasig City ganap na alas- 8 ng gabi.

Nang respondehan ng mga awtoridad ang lugar ay saka natuklasan ang mga duguang katawan ng biktima na kapwa may mga tama ng bala. Naka­ka­bit din sa mga ito ang kapirasong karton na naka­sulat ang naturang kataga. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ANDREW SA

BRGY

CARUNCHO AVE

HUWAG

LIANAS SU

MARLON GARDOZE

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with