^

Metro

5 pekeng NPA commanders, timbog sa kotong

- Ni Ludy Bermudo -

Inaresto sa isang en­trap­ment operation ng mga tauhan ng NBI ang apat na   factory workers at isang security guard na nag­pang­gap na mga kuman­der ng New People’s Army (NPA) para makapangikil ng milyong halaga sa isang negosyanteng babae sa Maynila, ayon sa ulat ka­hapon.

Kinilala ni NBI Director Atty. Nestor Mantaring ang mga suspect na sina Janet G. Lugasan, nag-alyas na “Kumander Lita,” ; Joseph B. Gahisan, alyas “Kuman­der Roger” ; Rick A. Altizo, alyas “Kumander Bien,” security guard ; Albert A. Yape at Leo D. Gulisao.

Tinutugis pa ang hini­hinalang ‘utak’ ng grupo na si Scott Sy-Go, diumano’y live-in partner ng suspect na si Lugasan, residente ng Novaliches, Quezon City. Nagawa pa umanong takutin ng mga suspect ang biktimang si Sally Go, nang tapunan umano ng ulo ng pugot na baboy at laman-loob nito dahil sa pagtawad ng biktima na makapagbibigay lamang siya ng P300-libo sa halip na P5-milyon at pagha­hagis ng bomba sa opisina ng biktima.

Sa ulat ng NBI-Intel­ligence Services, sinabi ni Deputy Director Atty. Ruel Lasala na bago naganap ang pagkaaresto, naka­tang­gap ang biktima ng sulat mula sa isang babae, na sa kalaunan ay nakila­lang si Lugasan. Naka­saad sa liham na may lagda pa umano ng isang “Ka Roger” ang panghi­hingi ng P5-milyon sa ne­gosyante para sa sama­han ng NPA.

Ilang follow-up na mga tawag sa telepono din umano ang natanggap ng biktima kaya nagsumbong ito sa NBI. Mabilis na na­kilala ng NBI ang mukha ni Lugasan dahil na-capture ang mukha nito sa closed-circuit television (CCTV) camera na nakapuwesto sa gate ng opisina ng bik­tima sa Cuneta Avenue, Pasay City at nakopya din ng security guard ang plaka ng sasakyan nito.

Sa entrapment, ilang ahente ng NBI ang nag­pang­gap din na kaibigan ng biktima at nakipagne­gosasyon upang pababain sa P300,000 ang hinihingi ng mga ito na ikinagalit umano ng mga suspect kaya nanakot at nagpadala pa ng pugot na ulo ng baboy at lamang-loob nito na iniwan sa compound ng tanggapan ng biktima.

Nang igiit umano ng undercover agents sa ne­go­­ sasyon na gawin na lamang P500-libo, nagalit muli ang mga suspect at dahilan naman sa pagha­hagis ng bomba sa opisina ng biktima na nagdulot umano ng tensiyon sa mga residente dahil sa pag­sabog. Kabilang din sa pa­na­nakot ang pagbabanta ng mga suspect na alam nila kuing saan nag-aaral ang mga anak ng negos­yante at maari nila itong gawan ng masama.

Nang makipagkasundo umano ang undercover agents na kayang ibigay ang P1.5 milyon ay isina­gawa ang bayaran sa lumang sinehan sa Ermita, Maynila noong Pebrero 3, Martes. Si Lugasan o Ku­mander Lita sakay ng itim na Mazda( ZRU-121) at apat pang kasabwat ang lumutang at agad na dinakip habang tinatang­gap ang marked money.

ALBERT A

BIKTIMA

CUNETA AVENUE

DEPUTY DIRECTOR ATTY

DIRECTOR ATTY

JANET G

LUGASAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with