^

Metro

Puganteng Koreano, balik-kalaboso

-

Hawak na muli ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean National na nakatakas kamakailan mula sa Immigra­tion Jail sa Bicutan.

Ito ay makaraang kusang sumuko sa ahensya ang na­sabing dayuhan kamakalawa.

Ayon kay BI Commis­sioner Marcelino Libanan, si Byung Kyu Choi, na wanted sa Korea sa kasong large-scale fraud at swindling, ay ipapatapon sa Korea sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Choi na nagde­sisyon siyang sumuko dahil hindi na niya makayanan ang matinding “pressure” sa ginagawang pagtatago.

Ayon kay Libanan, bago pa ang pagsuko ng nasabing dayuhan, natukoy na ng ka­nilang mga tauhan ang pinag­tataguan nito.

May mga kakilala rin umano si Choi na pumayag makipagtulungan sa ahensya para magbigay ng impormas­yon sa pinagtataguan nito.

Magugunita na una nang ipinag-utos ni Libanan ang pagsasagawa ng manhunt operation laban kay Choi ma­tapos itong makatakas sa de­tention cell noong January 24.

Dahil sa nasabing insi­dente, sinibak sa pwesto ang Jail warden at 5 jailguards na responsable sa pagkakatakas ng dayuhan.

Nakatakas si Choi ma­tapos na payagan ito ng kan­yang mga guwardya na idaan sa kaniyang opisina sa FTI complex sa Taguig matapos magtungo sa dentista.

Pagdating sa nasabing tanggapan ay parang bulang nag­laho ang dayuhan. (Gemma Amargo Garcia)

AYON

BICUTAN

BUREAU OF IMMIGRATION

BYUNG KYU CHOI

CHOI

GEMMA AMARGO GARCIA

KOREAN NATIONAL

LIBANAN

MARCELINO LIBANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with