^

Metro

May dyobos na mga isda nasamsam

- Angie dela Cruz, -

Umabot sa 20 banyera ng isda ang kinumpiska ng mga tauhan ng pulisya at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Malabon City matapos mabukong hinaha­luan ng dyobos at vetsin ang mga isda para maging sariwa.

Dakong alas-12:40 ng madaling-araw nang lusubin ng mga awtoridad ang bag­sakan ng isda sa F. Sevilla Blvd., Brgy. Tañong ng lung­sod na ito. Nang tingnan ang mga banyera ng isda ay nalaman na may halong dyobos at vetsin ang mga ito, dahilan upang kumpiskahin.

Ang aksyon ay isinagawa matapos na may magreklamo   na sa bagsakan ng isda ay kinukulayan lamang ang mga ito para magmukhang sariwa.

Wala naman tinderang umako na sa kanila ang mga nahuling isda kung kaya walang naaresto ang mga pulis. Maging ang mga mami­mili ay nagrereklamo rin dahil kakaiba na ang lasa ng mga isda kapag ito ay naluto.

Sinasabing mga bilasa o luma na ang isda na kinuku­layan para kumintab at mag­mukhang sariwa.

Malaki ang paniwala ng mga kinauukulan na malaking panganib ito sa kalusugan ng mga mamimili.

vuukle comment

BRGY

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DAKONG

ISDA

MALABON CITY

MALAKI

NANG

SEVILLA BLVD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with