Lola dedo sa truck
Basag ang bungo ng isang 65-anyos na lola na dahilan ng agaran nitong kamatayan makaraang mahagip ng isang truck habang papatawid sa kalsada sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Corazon Salvador, ng Building 8, Temporary Housing Unit, Tondo.
Agad rin umanong sumuko ang suspect na drayber ng truck na may plakang RBG-163 na kinilalang si Feliciano Sillave, 41, ng Pier 2 PR Malonzo compound, Tondo.
Nabatid na naganap ang trahedya, dakong alas- 10:45 ng umaga sa panulukan ng Road 10 at Capulong st., Tondo. Papatawid pa lamang umano ang biktima nang bigla umanong mag-‘green light’ o mag-go ang signal light kaya umabante na si Sillave at hindi na umano niya nakita na nakaumang na ang katawan ng biktima para habulin ang pagtawid.
Sinabi pa ng pulisya na matapos suriin ang bang kay ng biktima ay putok ang bungo nito matapos magulungan ng truck. Isinampa ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa nasabing driver. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending