^

Metro

Manganganak na misis, na comatose

-

Isang manganganak na ginang ang na-coma­tose hanggang sa tuluyang ma­matay at maging ang kanyang sanggol ay na­matay din sa loob ng Pasay City General Hos­pital (PCGH), kamakailan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pa ring nakaburol ang bikti­mang si Jenelyn Bael, 24, residente ng # 189 3rd st. Pildera ll, Pasay City at sang­gol nito na kapwa namatay sa mismong pa­ga­mutan noong Enero 31.

Inihahanda naman ng pamilya ng nasawi ang pag­haharap ng reklamo laban sa nabanggit na pa­gamutan dahil umano sa ka­pabayaan ng ilang dok­tor dito na nagresulta sa pagkamatay ng mag-ina.

Batay sa pahayag ni ginang Adoracion Bael, biyenan ng ginang, unang ipinasok sa naturang pa­gamutan si Jenelyn noong Enero 29 matapos na makaramdam ng pana­nakit ng tiyan sanhi ng kabuwanan nito. Pero pag­dating sa PCGH ay pinayu­han na lamang umano ng isang OB-gyne ang ginang na umuwi na lamang dahil hindi pa umano ito ma­nganganak.

Makalipas ang isang araw, muling sumakit ang tiyan ng biktima at muling dinala ito sa PCGH at dito nanatili sa pagamutan habang nagli-labor.

Habang naka-confine sa labor room ay sinabihan ng biktima ang kanyang ina na hirap na hirap na ito at kung maaari ay maki­usap na lamang sa doktor na operahan (CS) na lamang siya pero tu­manggi umano ang pagamutan na gawin ito at sa halip ay pinabili sila ng mga gamot upang umano’y gawing normal ang panga­nganak ng ginang.

Nitong nakalipas na Enero 31 ay tuluyang na-comatose ang ginang at dito na napilitan ang doktor na isinailalim na siya sa ceasarian subalit sinawing-palad na mamatay ito pati na ang sanggol sa kan­yang sinapupunan.

Kaugnay nito nanini­wala ang mister at biyenan ng biktima na hindi sana namatay ang mag-ina kung hindi nagpabaya ang mga doktor ng PCGH.

Bunga nito, hiniling ng mga kaanak ng biktima sa National Bureau of Inves­tigation (NBI) na isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng mag-ina upang mabatid ang tunay na sanhi ng kamatayan ng mga ito na pinaniniwalaang dahil sa kapabayaan.

ADORACION BAEL

BATAY

ENERO

HABANG

JENELYN BAEL

NATIONAL BUREAU OF INVES

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with