^

Metro

Police station nabuko sa illegal jumper

- Danilo Garcia -

Pinutulan ng kuryente ng Manila Electric Com­pany ang Quezon City Police District-Traffic Sec­tor 4 matapos na madis­kubreng matagal na pala itong gumagamit ng illegal jumper para makagamit ng libreng kuryente.

Nakaranas ng dilim at napuwersang gumamit ng kandila ang mga pulis na nakatalaga sa istasyon dakong alas-8 kamaka­lawa ng gabi matapos na putulin ang jumper sa ka­tapat na poste ng mga lineman ng Meralco.

Naibalik lamang ang kuryente sa naturang istas­yon pagsapit ng umaga kahapon matapos na ma­ki­pagnegosasyon ang pamunuan ng QCPD sa Meralco.

Sinabi ng mga kinata­wan ng Meralco na nasabi­han na nila ang QCPD sa naturang problema at ang planong pagputol sa ka­nilang kuryente kung saan pumayag naman umano ang mga opisyales ng pulis.

Sa pahayag naman ng hepe ng trapiko na si P/Chief Insp. Romeo Ber­nar­dino na may isang linggo pa lamang sa pu­ westo, inaayos na niya ang nasabing problema sa Meralco. Sinabi nito na dapat inasikaso ng mga nagdaang traffic com­mander ang kuryente sa tanggapan ng traffic sector 4 para sana hindi na hu­man­tong sa kahihiyan ang pulisya.

CHIEF INSP

MANILA ELECTRIC COM

MERALCO

NAIBALIK

NAKARANAS

PINUTULAN

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-TRAFFIC SEC

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with