^

Metro

Obrero natabunan, tusok sa mga bakal

-

Kalunos-lunos ang naging kamatayan ng isang contruction worker matapos itong madaganan at matusok pa ng gumuhong salansan ng mga bakal na gagamitin sana sa konstruksiyon ng itatayong tatlong palapag na bahay, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Nasawi noon din ang biktimang si Rainer Reguindin, 21 ng 20th Avenue, Brgy. East Rembo, nabanggit na lungsod nang pumailalim ang kanyang katawan sa gumuhong salansan ng mga bakal na bumaon at tumusok sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Nakatakda namang kasuhan ng pulisya ang contractor ng naturang itatayong bahay sa Santol St., Brgy. Comembo, Makati City dahil umano sa kapa­bayaan nito matapos matuklasan na pawang mga coco lumber na may sukat lamang na 2x4 ang ginamit na kahoy bilang suporta sa isang talaksang ng mga bakal.

Batay sa ulat ni PO2 Emelson Madronio, may hawak ng kaso, pasado alas- 2 ng hapon nang mangyari ang nasabing insidente sa construction site ng itatayong bahay sa naturang lugar.

Nabatid na abala umano sa pagsasalok ng inaalis na tubig mula sa malalim na hukay na pagbabaunan ng poste ng itatayong bahay ang biktima nang biglang gumuho ang salansan ng mga bakal na may sukat na 10mm diametro.

Napag-alaman na unang bumigay ang coco lumber na tanging sumusuporta sa mahigit isang metrong taas na salansan ng mga bakal na siyang dumagan at tumu­sok sa iba’t ibang parte ng katawan ng biktima dahilan upang magkulay dugo ang tubig sa malalim na hukay na pagba­baunan sana ng poste. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATAY

BRGY

COMEMBO

EAST REMBO

EMELSON MADRONIO

MAKATI CITY

RAINER REGUINDIN

ROSE TAMAYO-TESORO

SANTOL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with