^

Metro

Random drug testing sa mga mag-aaral, ingatan - CHR

-

Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) na bukas ang ko­mis­yon sa sinumang mag- aaral na lalapit na sasa­ilalim sa random drug tes­ ting ngayong Pebrero na sa tingin nila ay nalabag ang kanilang karapatang pantao.

Ayon kay CHR Chairperson Leila de lima , ba­gaman hindi sila pabor sa nabanggit na hakbang ng Dangerous Drugs Board (DDB) iminungkahi nito sa mga mangangasiwa sa random drug testing na marapat na magtakda ang mga ito ng safety measures at iba pang protective legal measures para mapangalagaan ang kara­patang pantao ng mga bata.

Ilan lamang aniya rito ay kailangang mapanati­lihing lihim sa kaalaman ng publiko ang pagkaka­ki­lanlan o identity ng lahat ng mga estudyanteng ma­pipili sa nabanggit na pag­susuri.

Kailangan din aniyang matiyak ng mga opisyal ng eskwelahan, testing center at mga ahensiya ng gob­yerno na walang ibang paggagamitan ang sam­ples ng random drug testing kundi sa tunay lamang nitong pakay at hindi para sa iba pang bagay.

Binigyang diin pa ni de Lima na marapat ding magkaroon ng probisyon sa ipatutupad na panun­tunan na nagbabawal sa mga eskwelahan o anu­pamang ahensiya ng gob­yerno na magpatupad ng parusa sa batang ma­pa­tutunayang gumagamit ng iligal na droga.

Ngayon, Pebrero 4, si­simulan na ng DDB ang implementasyon ng random drug testing sa mga eskwelahan sa Metro Manila. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

BINIGYANG

CHAIRPERSON LEILA

DRUGS BOARD

HUMAN RIGHTS

METRO MANILA

PEBRERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with