^

Metro

Welga ikinasa ng PISTON

-

Ikinasa ng militanteng transport group na Pinagisang Sa­mahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang serye ng malawa­kang welga.

Ayon kay Goerge San Mateo, secretary general ng Piston layunin ng kanilang pro­testa na iparating sa pama­halaan ang kanilang kahilingan na maibasura ang oil deregulation law at maibaba ang presyo ng gasolina at liquefied petroleum gas (LPG) sa bansa.

Kasama sa protesta ang pagsasagawa ng noise barrages, transport caravans at protest rallies sa ibat ibang panig ng bansa.

Ani San Mateo, kailangan nang maibasura ang naturang batas dahilan sa ito ang ugat ng kahirapan ng maraming bilang ng hanay ng transportasyon.

Sinabi ni San Mateo na kung inalis ng gobyerno ang dere­gulasyon at ipinatupad ang price control, mas bababa pa ang presyo ng langis habang ang presyo ng LPG ay mababa sa P500 kada 11-kilo kada tangke.

Nais ng Piston na maibaba ang halaga ng LPG sa P400 kada 11 kilo bawat tangke. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANI SAN MATEO

AYON

CRUZ

GOERGE SAN MATEO

IKINASA

KASAMA

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGISANG SA

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with