^

Metro

Barangay kagawad inambus, patay

-

Isang 40-anyos na barangay kagawad ang tinambangan at napatay makaraang barilin ng malapitan   ng apat na kalala­kihan, habang bumibili ng softdrink sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa UST Hospital ang biktimang si Ricky Aquino, Kagawad ng Barangay 511, Zone 15, District 4 at residente ng Algeciras St., Sampaloc, Maynila sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at katawan mula sa kalibre .45 baril.

Mabilis namang nagsitakas ang apat na suspect matapos ang isinagawang krimen.

Sa ulat ni Det. Gerry Amores ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa harapan ng Pharmalyn Drug Store sa #1860 Maria Clara St., Sampaloc, Maynila.

Bumibili umano doon ang biktima nang lumutang ang dalawa sa apat na suspect at isa ang umasinta sa ulo at katawan nito.

Nang bumulagta ang biktima ay kinumander umano ang tricycle (PG-1173) na minamaneho ng isang Ronaldo Espiritu upang daanan ang dalawa pang suspect na kasamahan na nagsilbing look-out, sa panulukan ng Maria Clara at Quinto Sts.

Isa pang tricycle na may plakang TM 5235 na minamaneho ng isang Arnaldo Ico ang sinakyan ng dalawang look-out at inutusan ang drayber na sundan ang sinasakyan ng dalawang naunang suspect sa direksiyon ng Espana Street.

Tinitignan ng pulisya ang anggulo ng droga na motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima.

Kinumpirma sa imbestigador ni Chairman Arnold Ginete, ng Bgy 511, Zone 15, District 4 na minsan na rin nitong kina­usap at bina­laan ang biktima hinggil umano sa balita sa kanilang barangay na ang mga kapatid nito ay nagtutulak umano ng droga.

Maging si Engelbert Cabrera, treasurer, ng nasabing barangay ay kinumpirma rin ang balitang iniuugnay sa pagbebenta ng iligal na droga ang mga kapatid ng biktima.  (Ludy Bermudo)

ALGECIRAS ST.

ARNALDO ICO

CHAIRMAN ARNOLD GINETE

DRUG STORE

ENGELBERT CABRERA

ESPANA STREET

GERRY AMORES

HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with