^

Metro

One strike policy sa droga, ipapatupad sa PNP

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

Mas mahigpit na “one strike policy* ang ipapatupad ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP) na madidiskubreng sangkot sa operasyon ng iligal na droga o nagbibigay ng proteksyon sa mga sindikato.

Sinabi ni Interior Secretary Ronaldo Puno sa ta­ lumpati nito sa ika-18 ani­bersaryo ng National Capital Region Police Office, naka­takda sila ngayong magpatu­pad ng resolusyon para sa “one stike policy” na mas ma­higpit kaysa sa ipina­patupad sa iligal na sugal.

Sa ilalim nito, ang mga opis­yal ng PNP na madidis­kubreng may operasyon ng iligal na droga tulad ng shabu laboratory, plantasyon ng marijuana, o malalaking sin­dikato ay agad na sisibakin sa kanilang puwesto at mag­mamarka ito sa kanilang “career” sa buong serbisyo nito sa pulisya. Ang naturang ma­sa­mang rekord umano ay mag­mamarka sa National Police Commission (Napolcom) at magiging hadlang para sa promosyon ng isang opisyal o makahawak ng sensitibong posisyon.

Layon umano nito na maging masigasig ang mga pulis sa isang istasyon, distrito o regional office sa kampanya kontra iligal na droga. Nana­wagan rin ito sa mga pulis na sangkot sa pag­tatanim ng iligal na droga na tigilan na ito upang hindi mapa­hamak sa ilulunsad na intensi­bong kampanya kontra droga.

Agad namang sisibakin ang sinumang pulis o opisyal na mapapatunayang sang­kot o protektor ng iligal na ope­ras­yon at sasampahan ng kasong kriminal base sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165.

“We will implement a harsh, harder policy to ensure everybody to be serious in the problem against illegal drugs. Hindi kami nakikipaglaro sa inyo, the time for that is over. We will put a stop to that problem once and for all,* pahayag pa ng Kalihim.

Kaugnay nito, magpapa­tupad rin ang DILG at National Police Commission ng “random drug tests” sa lahat ng unit ng PNP sa buong bansa at ang mapapatunayang gumagamit ng iligal na droga ay agad na idi-dismiss sa serbisyo.

Ang mga pulis na mapipili ngunit tatanggi na magpasa­ilalim sa drug tests ay lalagyan ng mantsa ang kanilang ser­bisyo na magiging negatibo sa kanila.

DROGA

DRUGS ACT

ILIGAL

INTERIOR SECRETARY RONALDO PUNO

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NATIONAL POLICE COMMISSION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with