Sekretarya binihag, pinatay

Isang 24-anyos na sek­retarya sa isang bahay-bodega ng mga produktong plastic ang napatay maka­raang siya at ang dalawa niyang kasama sa bahay ay bihagin ng kanilang naghihi­ganting helper sa Quezon City kahapon.

Nakilala ng pulisya ang biktima na si Loida Villa Randa, isa sa mga sekre­tarya ng negosyanteng si Jimmy Tan sa bahay-bo­dega nito sa kanto ng 172 Don Manuel St. at Don Jose 1 sa Barangay Sto. Domingo sa naturang lunsod.

Mahigit 20 tama ng sak­sak ng patalim ang tumapos sa buhay ni Randa.

Sugatan sa insidente ang mga kasamahan ni Randa na sina Ronalyn Carias, 24, secretary, at Jenalyn Tore­field, katulong din sa natu­rang bahay.

Nadakip at ikinulong ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang suspek na si Jerwin Montiman, alyas Dondon, 23-anyos, binata at stay-in boy sa bahay ni Tan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang may isang oras na pangho-hostage sa mga biktima dakong alas-7:30 ng umaga sa na­turang bahay.

Natutulog pa ang mga biktima sa may terrace ng tinu­tuluyang bahay nang pagpapaluin ng matigas na bagay ng suspek na wala sa sarili.

Dito nanlaban ang tat­long babae kung saan naga­wang makatakbo at maka­labas ng bahay sina Carias at Torefield sa kabila ng tina­mong mga pasa at sugat sa katawan dulot ng suspek habang naiwan naman si Randa.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng barangay hall at mga tauhan ng QCPD, dito na ikinandado ni Montiman ang lahat ng pinto at bintana ng bahay saka pinaslang ang biktimang si Randa sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsaksak dito.

Nabatid na sinilaban rin ni Montiman ang naturang bahay pero kusang-loob siyang sumuko sa mga otoridad nang mahirapang makahinga sa makapal na usok. Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng pamatay-sunog sa lugar kung saan mabilis na na­apula ang apoy at nailigtas sa pagkatusta ang bangkay ni Randa na nakalilis ang damit-panloob.

Sa maigsing panayam kay Montiman ng mga ma­mamahayag, sinabi nito na matagal na siyang may sama ng loob sa tatlo dahil sa pangmamaltrato sa kanya. 

Nakipag-inuman siya sa kanyang mga kabarkada kamakalawa ng gabi at pli­nano ang pagpatay sa tatlo sa kanyang pag-uwi ngu­nit nagbago ang isip niya.

Paggising niya kina­umagahan, nakita niya ang tatlong babae na mahimbing na natutulog kung saan bu­malik ang galit niya sa mga ito, nagdilim ang paningin at saka pinagpapalo ng kahoy ang mga babae.

Nahaharap ngayon sa patung-patong na kasong murder, double frustrated mur­der, at arson ang suspek.

Show comments