^

Metro

Kampanya vs gang war paigtingin - Lim

-

Binigyan kahapon ng di­rektiba ni Manila Mayor Al­fredo Lim ang Manila Police District (MPD) kung saan pina­tututukan nito ang pagpa­paigting sa kampanya upang masawata ang gang war sa Maynila kung saan nasa­sayang lamang ang mga buhay ng mga kabataang sibilyan.

Ayon sa alkalde, base sa rekord ng Presidential Anti Organized Crime Commis­sion (PAOCC) Commissioner Grepor Belgica, umaabot sa 30 street gang ang nagsasa­gawa ng kaguluhan sa lung­sod na kinabibilangan ng Trece Hudas, Tau Gamma Phi fraternity, Bulabog Boys at Walang Sawa sa Alak (WASALAK).

Bunga nito, inatasan ni Lim si MPD director Chief Supt. Roberto Rosales na magre­organisa upang masa­wata ang lumalalang aktibi­dad ng street gang at pagtaas ng kriminalidad sa Maynila.

Sangkot din ang karami­han sa mga gang sa robbery at drug trafficking at nakiki­pagpatayan pa ang mga na­banggit na gang para lamang sa teritoryo ng kanilang illegal na aktibidad.

Sinabi ni Lim na dapat ng tapusin ng mga pulis ang mga kaguluhang sanhi ng gang at fraternity war. (Doris Franche)

BULABOG BOYS

CHIEF SUPT

COMMISSIONER GREPOR BELGICA

DORIS FRANCHE

MANILA MAYOR AL

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PRESIDENTIAL ANTI ORGANIZED CRIME COMMIS

ROBERTO ROSALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with