^

Metro

2,000 nakatagong LPG tanks, ni-raid ng NBI

- Gemma Amargo-Garcia -

Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at Depart­ment of Energy (DOE) ang isang establisimento na hinihinalang nagtatago ng mga tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay NBI director Nestor Man­ taring ang pagsalakay ay ginawa sa Francie Enterprises na matatagpuan sa Benavides St. sa nasabing lugar dakong alas-10 kamakalawa ng gabi.

Nasamsam mula sa nasabing establi­sim­yento ang may 2,100 11-kilogram na tangke ng LPG na hinihinalang tinatago ng may-ari nito na si Willliam Chua.

Sinabi ni Mantaring na ang pagsalakay ay bunsod sa isang tip na natanggap nila mula sa mga residente ng nasabing lugar na tumatanggi ang nasabing establisim­yento na magbenta ng LPG.

Idinagdag pa nito na kumakalap na sila ng mga ebidensiya at dokumento upang masampahan ng kasong hoarding at economic sabotage si Chua.

Patung-patong na kaso din ang kakaharapin ni Chua matapos na madis­kubre ng mga awtoridad na lisen­siyado lamang ito na magbenta ng LPG na may tatak na “Total” subalit nadiskubre na mayroon din itong iba’t ibang brand ng LPG.

Bukod dito, nadiskubre din na naka­tayo ang establisyemento nito sa ma­taong lugar gayung nag-iimbak ito ng libong tangke ng LPG na maaring mag­lagay sa alanganin sa buhay ng mga residente ng nasabing lugar sa sandaling sumabog ang mga ito.

Samantala, nakatanggap din umano ng impormasyon si Mantaring na nagbe­benta ng mahal ang mga LPG dealer kung saan ibinebenta ng mga ito ang isang 11-kg na LPG tanks ng mahal kaysa sa itinakda ng pamahalaan.

Nauna nang nagpalabas ng kautusan ang Department of Justice (DOJ) sa NBI na imbestigahan ang mga establisimento na hinihinalang nagtatago ng LPG tanks kayat nagkukulang ang supply nito sa merkado sa kabila ng sapat na pan­daigdigang supply nito.

BENAVIDES ST.

CHUA

DEPARTMENT OF JUSTICE

FRANCIE ENTERPRISES

LPG

MANTARING

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTOR MAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with