^

Metro

2 biktima ng salvage natagpuan

-

Dalawang lalaking pinanini­wa­la­ang biktima ng salvage ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at May­nila, kahapon.

Sa Quezon City, inilarawan ang hindi nakikilalang biktima na nasa gulang na 35-40-an­yos, 5’7’’ ang taas, kayumanggi, mahaba ang buhok at nakasuot ng asul na t-shirt at itim na maong pants.

Bukod sa tinamong isang tama ng bala sa mukha ay may palatandaan ding sinakal ang biktima. Nakabalot din ng packaging tape ang buong ulo nito at nakaposas ang mga kamay nito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling- araw nang madiskubre ang bang­kay ng biktima sa #15 Green Valley St., Capitol Hills Subd., Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa nakasaksing si Ching Yap, residente rin sa lugar, nakarinig siya ng isang alingawngaw ng putok ng baril mula sa tapat ng kanyang bahay. Nang kanyang silipin ay nakita niyang humaharurot ang isang sasakyan na hindi niya naplakahan gayundin tumam­bad sa kanya ang nakahan­dusay sa kalsada ang bangkay ng biktima.

Sa Maynila naman, mistu­lang lilitsuning baboy ang hit­sura ng pagkakatali ng isa pang   lalaking salvage victim na na­tagpuang nakatali ang magka­bilang kamay at paa habang balot din ng packaging tape ang ulo at mukha at nakasilid sa itim na trash bag, sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ang hindi pa kilalang biktima ay inilarawan sa edad na 25 hanggang 35, may taas na 5’2’’-5’3’’, payat, kayumanggi, ma­haba ang buhok, nakasuot ng puting T-shirt, at maong na pantalon.

Ayon sa ulat, dakong alas- 4 ng madaling araw nang ma­tuklasan ng isang basurero ang bangkay ng biktima sa tambak ng mga basura sa gilid ng bangketa ng Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila. (Angie dela Cruz at Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

CAPITOL HILLS SUBD

CHING YAP

CRUZ

QUEZON CITY

RIZAL AVENUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with