^

Metro

Binatilyo dinedo sa harap ng syota

-

Hinihinalang selos ang ugat ng pamamaril ng isang grupo ng kabataan sa isang 18-anyos na lalaki na hinahatid ang kanyang nobya, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Michael Estoye Jr., estudyante, at residente ng Sampaguita Extension, Brgy. Payatas-A, ng naturang lungsod.  Hindi na ito umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center dahil sa tama ng bala ng sumpak sa katawan.

Arestado naman ng pulisya ang mga kabataang suspek na sina Jester Tan, 19, isang 17-anyos na Tsinoy na itinago sa pangalang Kim at isa pang alyas Joel, 17, pawang mga residente ng Area 3, Veterans Village, Brgy. Bagong Silangan.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Homicide Sec­tion, dakong alas-9 kamaka­lawa ng gabi nang maganap ang krimen sa Area 4, Veterans Village ng naturang barangay.

Naglalakad umano si Estoye kasama ang kasintahan nito sa nasabing lugar nang basta na lamang harangin sila ng mga suspek at walang sabi-sabing binaril ng sumpak ang biktima. Agad namang nadakip ng mga rumespondeng ka­gawad ng barangay at pulisya ang mga suspek bago pa man maka­takas ang mga ito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BAGONG SILANGAN

BRGY

DANILO GARCIA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JESTER TAN

MICHAEL ESTOYE JR.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-HOMICIDE SEC

SAMPAGUITA EXTENSION

VETERANS VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with