^

Metro

'Shortime', legal - Korte Suprema

-

Idineklarang labag sa batas ng Korte Suprema ang ordi­nan­­sang ipinalabas ng Lung­sod ng Maynila na nagbabawal sa “shortime rates” sa mga motels.

Base sa 32-pahinang de­sis­­yon ng Supreme Court (SC) en banc na isinulat ni Associate Justice Dante Tinga,binaligtad nito ang naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nag­de­deklarang Constitutional ang Manila Ordinance No. 7774 na pinagtibay noong Disyembre 3, 1992 na nilagdaan ni Mayor Alfredo Lim.

Samantalang kinatigan na­ man ng Korte Suprema ang na­unang desisyon ng Manila Re­gional Trial Court (RTC) branch 9 na nagbabawal sa operasyon ng mga motel sa Ermita-Malate area. Nakasaad sa nasabing ordinance na pinag­babawalan ang mga motel, hotel, inns, lodging house, pension house, at iba pang mga kahalintulad na establishment na mag-alok ng short time at wash up rates sa kanilang mga customers.

Dahil dito kayat kinuwestyon sa korte ang legalidad ng na­sabing ordinansa ng mga may-ari ng Victoria Court at Anito Groups of Companies.

Nilinaw ng SC na bagamat nais pigilan ng ordinansa ang mga bawal na sexual activities, naaapektuhan rin naman nito ang karapatan ng mga lehiti­mong mag-asawa, bukod pa sa karapatan ng mga may-ari ng nasabing negosyo.

Binigyang-diin pa ng Korte Suprema na may mga umiiral nang batas para sa mga bawal na sexual activities na maaari namang ipatupad kahit wala ang nasabing ordinansa. (Gemma Amargo-Garcia)

ANITO GROUPS OF COMPANIES

ASSOCIATE JUSTICE DANTE TINGA

COURT OF APPEALS

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SUPREMA

MANILA ORDINANCE NO

MANILA RE

MAYOR ALFREDO LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with