^

Metro

Retiradong police patay sa ambush

- Ricky ­Tulipat -

Patay ang isang retiradong miyembro ng pulisya matapos na bistayin ng bala ng isang di-nakikilalang salarin sa lung­sod ng Mandaluyong kama­ka­lawa ng hapon. 

Kinilala ni S/Supt. Carlos de Sagun, Mandaluyong City Police chief, ang nasawi na si ret. SPO4 Nestor Pascual, 49, residente sa #59 P. Cruz St., ng Brgy. Zaniga ng nasabing lungsod.

Isang manhunt operation naman ang ipinag-utos ni de Sagun para sa agarang pag­kakadakip ng nasabing sa­larin na mabilis na tumakas makaraang isagawa ang krimen.

Sa ulat ng pulisya, nang­yari ang insidente sa may harap ng gate ng bahay ng biktima. Nabatid na   kauuwi lamang umano ng biktima galing sa pagdalo sa hearing ng murder case na isinampa laban sa kanya sa prose­cutor’s office ng Mandaluyong City Regional Trial Court dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang pananambang.

Pagkaparada ng biktima sa kanyang kulay orange na Honda CRV sa kanilang garahe ay doon na sumulpot ang nasabing suspek at pinagbabaril ito.

Nagtamo ng walong tama ng bala sa katawan at ulo ang biktima kung saan nagawa pa itong maisugod sa Mandalu­yong City Medical Center (MCMC) ngunit idineklara din itong patay.

Ayon sa isang testigo, ang suspek na nakasuot ng itim na pants at t-shirt, matapos ang pamamaril ay kaswal na nag­lakad   patungo sa Parada St., na parang walang nangyari.

Ayon kay de Sagun, may­roon silang testigo na maka­ka­­kilala sa suspek sa sanda­ling muli umano niyang makita ito.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) nakarekober ang mga ito ng anim na basyo ng bala ng kalibre 9mm auto­matic pistol sa nasabing lugar.

Dalawang anggulo ang tinitingnan ng pulisya sa na­sabing pananambang, una rito ay ang paghihiganti o may ki­na­laman sa illegal drugs kung saan naging aktibo ang nasawi sa pagsugpo laban dito. Si Pas­cual ay nakatatan­dang kapatid ni Senior Ins­p. Hoover Pascual, ang head ng station’s anti-illegal drugs unit ng Man­daluyong City police station.

vuukle comment

AYON

CITY MEDICAL CENTER

CRUZ ST.

HOOVER PASCUAL

MANDALUYONG CITY POLICE

MANDALUYONG CITY REGIONAL TRIAL COURT

NESTOR PASCUAL

SAGUN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with