^

Metro

Pasahero pinigil sa NAIA, nagwala

-

Isang babaeng pasahero ang nagwala matapos na hindi payagan ng mga Im­migra­tion agents sa Ninoy Aquino Inter­ national Airport (NAIA) na maka­labas ng bansa dahil sa kawalan ng kakayahang ma­nirahan ng isang buwan sa Singapore kahapon.

Halos hindi na maawat at makontrol ang bibig sa kaka­talak at kakamura ng pasa­hero na kinilalang si Ma. Theresa Alfuertes, 29, tubong Iriga City at kasalukuyang na­ninirahan sa Baliuag, Bula­can, nang mala­man nitong hindi na siya maka­kaalis pa­tungong Singapore.

“Mga p—— kayo, ano bang ka­ilangan niyo. Marami akong pera, kaya ko kayong patayin,” sambit ng nangga­gala­iting si Al­fuertes sa mga immigration offi­cers na nag-off load sa kanya.

Batay sa report, nakatakda sanang umalis si Alfuertes lulan ng Philippine Airlines flight PR-503 pero nang usi­sain nina immigration officers Lourdes Bautista at Sharon Roxas sa kawalan nito ng mga support­ing document hinggil sa pag­babakasyon nito sa Singapore ay nagsi­mula nang mag-init ng ulo at magtaas ng boses. Dahil dito, pinayuhan ng dalawang im­migration officers si Alfuertes na humingi muna ng invitation mula sa kanyang fiancé sa Singapore bago siya paya­gang makaalis subalit sa halip na makiusap ay bigla na lamang umanong sumigaw at pinagmumura ang mga taong kaharap nito.

Nabatid na humingi ng assistance sa tanggapan ni retired Col. Rene Gonzales ng Air­port Police Department-Intelligence and Investigation Division ang mga immigration officers at inatasan si AP/Cpl. Jaime Fernandez na patigilin sa pagwawala ang nasabing pasahero. (Ellen Fernando)

ALFUERTES

ELLEN FERNANDO

IRIGA CITY

JAIME FERNANDEZ

LOURDES BAUTISTA

NINOY AQUINO INTER

PHILIPPINE AIRLINES

POLICE DEPARTMENT-INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

RENE GONZALES

SHARON ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with