5 oras pa lang na katulong, tumangay na ng P.5 milyon

Isang 39-anyos na ka­tulong na sinasabing may 5 oras pa lamang namama­sukan ang tumangay sa tina­tayang P.5 milyong halaga ng cash at alahas ng amo, sa San Andres, Bukid, Maynila, kamakalawa.

Idinulog sa tanggapan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section ng ne­gosyanteng si Leonora Ma­nansala, 60, ng Batangas Line, San Andres Bukid, May­nila ang reklamo laban sa isang Mia Mendoza, tubong Mulanay, Quezon.

Ayon sa reklamo ng bik­tima kay C/Insp.Benigno Maca­lindong, hepe ng MPD-TRS, inirekomenda at inihatid pa ng kanyang kakilalang si Amalia Ruda, ang katulong kamakalawa ng madaling- araw na nagmula pa umano sa Aurora, Quezon at maka­lipas ang limang oras, dakong alas-9 ng umaga ay naghatid siya sa paaralan ng apo.

Iniwanan lamang umano niya mag-isa si Mendoza at sa pagbabalik niya ay wala na ito at naiwan ang dalawang supot na naglalaman ng mga damit ng suspect.

Sinamantala umano ma­rahil ang pag-alis niya ng bahay dahil dinatnan niyang bukas ang kanyang kuwarto at tinungkab na umano ang aparador niya na naglalaman ng mga alahas at cash.

Iimbestigahan din ng pu­lisya si Ruda na siyang nag­dala sa nasabing katulong sa bahay ng biktima.

Show comments