^

Metro

Disease prevention isasama sa kurikulum sa elem. at high school

-

Bagama’t itinatanggi na ang pagkaubos ng mga doktor ang dahilan, isusulong ng ilang mga doktor at pamahalaang lungsod ng Maynila ang Project Heroes­ ( Health, Education, Reforms and Orders) na nagla­layong isama sa curriculum ang disease prevention o pag-agap sa anumang uri ng sakit.

Sa ginawang pagkikipag ugnayan kay Manila Mayor Alfredo Lim na pinangunahan nina Dr. Anthony Leachon, cardiologist at Dr. Gina Nazareth, nephrologist, ang pro­yekto ay paraan upang hindi na mangailangan pang dalhin sa mga ospital ang mga bata na nanganga­ilangan ng gamot.

Ayon kay Leachon, ituturo sa mga paaralan ang mga dapat gawin sa mga napapanahong sakit upang maiwasan ang paglala nito o pagkamatay.

Iginiit naman ni Lim na ang pagtuturo ay gagawin sa 32 public elemetary schools at 73 high schools. Aniya, may kasabihan na “ an ounce of prevention is more than an ounce of cure.”

Isasama ito sa Health and Science subject.

Dahil dito, ilulunsad sa Pebrero 14 ang “A Walk for Love” bilang pagsasabay sa selebrasyon ng Valentines Day at ang paglulunsad ng Project Heroes na para naman sa pagbabantay sa kalusugan ng bawat isa. (Doris Franche)

A WALK

DORIS FRANCHE

DR. ANTHONY LEACHON

DR. GINA NAZARETH

HEALTH AND SCIENCE

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

PROJECT HEROES

REFORMS AND ORDERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with