^

Metro

Madugong inuman: TV director, 1 pa patay

- Danilo Garcia -

Patay ang isang TV director ma­karaang mabaril sa sikmura ng isang technician na binawian rin ng buhay nang aksi­denteng ma­baril umano ang sarili, kahapon ng madaling-araw sa Que­zon City.

Nakilala ang nasawi na si Robert Cheng, 68, residente ng Paco, May­nila na nagtamo ng tama ng bala sa sik­mura ha­bang binawian ng buhay sa loob ng Quezon City General Hospital ang suspek na si Oliver San­tos, technician, nanini­rahan #21 Sipa street, Carreon Subdivision, Brgy. Tali­papa.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Homicide Section, naga­nap ang insidente da­kong ala-1:30 ng ma­daling-araw sa bahay ng suspect sa Sipa street, Car­reon Subdi­vision kung saan isang kasiyahan umano ang naganap at isa sa mga bisita si Cheng.

Nabatid na nagising buhat sa pagkakaidlip si Cheng dahil sa pagwa­wala umano ng lasing na si Santos sanhi upang kompron­tahin at awatin ito. Ayon sa mga saksi, dito umano binan­taan ni Santos si Cheng na ba­barilin sabay labas ng   kalibre .38 paltik.

Nakita naman ng ka­sambahay na si Eman Radasa, 19, ang pang­ya­yari kung saan tinangka nitong awatin at agawin ang baril kay Santos hanggang sa aksiden­teng pumutok ito at ta­maan ang huli sa ulo. Dinala naman sa QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit si Radasa upang isailalim sa im­besti­gasyon sa pagka­kabaril kay Santos.

AYON

CARREON SUBDIVISION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EMAN RADASA

OLIVER SAN

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ROBERT CHENG

SHY

SIPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with