^

Metro

Trader todas sa security aide ni BF

-

Patay agad ang isang negosyante maka­­raang pagbabarilin ito ng isang sinasabing security aide ni Metro­ politan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Nakilala ang nasawi na si Raul Talpa, 30 at residente ng Building 14, Room 406, MRB Condominium, C-5 Road, Brgy. Ususan ng nabanggit na lungsod na nag­tamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Malubha namang nasugatan ang isang bystander na kinilalang si Valentin Varga, 45, residente ng Brgy. Ususan na ka­sa­lukuyan ngayong ginagamot sa Taguig-Pateros Hospital makaraang tamaan din ito ng ligaw na bala mula sa .9mm kalibre ng baril ng suspect.

Kritikal naman sa nabanggit na paga­mutan ang suspect na si Paul Jardio, resi­dente ng Building 3-G, Unit 387, MRB Condominium, C-5 Road, Brgy. Ususan, Taguig City dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Regie Gapasin, may hawak ng kaso, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang mangyari ang nasabing insidente habang ang biktimang si Talpa at ang suspect ay nag-iinuman sa loob ng MRB Condominium ng nabanggit na lugar.

Nabatid na habang nag-iinuman ay biglang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito hinggil sa umano’y madalas na pagpapaputok ng baril ng suspect.

Ang pagtatalo ay naawat ng mga kainuman pero nang tumayo ang bik­tima para umiwas sa gulo ay sinundan ito ng suspect hanggang sa mag­suntukan na ang mga ito.

Sa gitna ng kaguluhan, binunot ng bik­tima ang kanyang dalang patalim at pinagsasaksak ang suspect na tinamaan sa ibat’ibang bahagi ng katawan.

Dahil dito, binunot naman ng sus­pect ang kanyang dalang baril saka pinagba­baril ang biktima na nagresulta sa daglian nitong kamatayan. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BAYANI FERNANDO

BRGY

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PAUL JARDIO

RAUL TALPA

REGIE GAPASIN

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

TAGUIG CITY

USUSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with