Barilan sa Binondo: 4 paslit kritikal sa ligaw na bala

Apat na paslit ang nasa kritikal na kon­disyon sa iba’t ibang pagamutan matapos na tamaan ng ligaw na bala nang mag­ba­rilan ang dalawang lalaki kahapon ng hapon sa Binondo, Maynila.

Kasalukuyang na­ sa kritikal na kondis­yon sa Gat Andres Bonifacio Hos­pital ang magka­pa­tid na sina Joan ­,10-an­yos na may tama ng bala sa dibdib at Chris Balan­sag, 1-taong gu­lang na may tama sa bala­kang na tuma­gos sa kaliwang puwet.

Samantalang kriti­kal din sa Jose Reyes Me­ dical Center sina John Carlo Dimas Armada­, 3-anyos na may tama ng bala ng baril sa tiyan at Kim Dasoy, 6, na nagtamo rin ng tama ng bala sa ka­tawan.

Lumalabas sa inis­yal na imbestigasyon ng Ma­nila Police District (MPD) Station 11, pasado ala-1 ng ha­pon kahapon nang bigla na lamang mag­barilan ang mga sus­pek na si Boni­facio Librea, 47, alyas Baldo at ang isa pang hindi nakilalang lalaki sa Gate 58 ng Parola Com­pound, Binondo, Maynila.

Kasalukuyan ding gina­gamot sa Ospital ng May­nila si Librea matapos din itong mag­­tamo ng tama ng bala sa katawan.

Naglalaro umano ang mga biktima nang magba­rilan sina Librea at kaaway nito.

Patuloy namang ina­alam ng pulisya kung ano ang motibo ng barilan nina Librea at kung bakit may dala itong baril.

Show comments