Pagbaha sa Valenzuela sosolusyunan
Upang mabigyan ng solusyon ang problema ng mga residente ng Valenzuela City sa pagbaha tuwing magkakaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan, naghain si Councilor at Liga ng mga Barangay-Valenzuela President Alvin Feliciano ng ordinansa na mag-aatas sa lahat ng may-ari ng fishpond na gumawa ng “earth dike” o pilapil sa kanilang mga palaisdaan.
Ayon kay Feliciano, isa sa mga nagiging sanhi ng pagtaas ng tubig baha sa ilang lugar sa kanilang lungsod ay ang tumatapong tubig mula sa mga palaisdaan sa tuwing magkakaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Aniya, sa pamamagitan ng “Earth Dike or Pilapil Ordinance”, mapipilitan ang mga may-ari ng lahat ng palaisdaan sa buong lungsod na lagyan ng pilapil ang kanilang mga fishpond upang mabawasan ang pagbaha sa ilang lugar partikular na sa malalapit sa Polo River. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending