Tatlong suspek sa pagnanakaw ng mga scrap na bakal ng Philippine National Railways sa compound nito sa Tayuman, Tondo, Manila ang nadakip ng pulisya kamakalawa ng hapon. Nakilala ang mga suspek na sina Rolando Capulong, 27 ng Bldg. 28; Edmund Sabalza, 27, at Gener Amaro, kapwa ng Bldg. 26, Temporary Housing Unit, Vitas, Tondo. (Ludy Bermudo)
Jobless nagbigti
Isang 32 anyos na binatang si Ramil Albacino na nawalan na ng pag-asang makakita ng trabaho ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili sa loob ng kanyang bahay sa 352 Del Fierro St., Tondo, Manila kamakalawa ng hapon. (Ludy Bermudo)