^

Metro

Ex-Dad lumikha ng eksena

-

Tapos na ang sesyon ng konseho ng Maynila noong Huwebes ng hapon nang magkaroon ng tension sa bulwagan nito sa Manila City Hall bunga ng paghahamon umano ni dating Councilor Ric Ibay kay Arnel Angeles, kapitan ng Barangay 134 Zone 11 at vice president ng Liga ng mga Barangay na si Arnel Angeles.

Nauna rito, tinanong ni Angeles si Sangguniang Kabataan Federation President Russel Ibay kung bakit ayaw pirmahan   ng SK Fe­deration ang budget para sa taong 2009. Si Russel ay anak ng dating konsehal.

Sinagot lamang ni Russel si Angeles ng “Anong ma­gagawa ko kung mas ma­talino ang ExeCom (Executive Committee) ko.” Dito ti­na­pos ni Angeles ang paki­kipag-usap kay Russel at nanatiling   nakaupo kasama ang iba pang mga barangay chairman.

Subalit makaraang ang ilang minuto ay biglang dumating sa session hall si Ric at ibinagsak ang dalang folder sa mesa ni Angeles. Agad namang binati ni Angeles si Ric ngunit mataas ang boses nito sa pagta­tanong kung ano ang prob­lema nito.

Dito na naglabas ng ma­anghang na salita si Ric at minura si Angeles. Sina­bi­han naman ni Angeles si Ric na huwag siyang mumu­rahin hanggang sa hamunin ng huli (Ric) ang una kung ano ang gusto nitong mang­yari.

Tinanong din ni Angeles si Ric kung ano ang gusto nito at biglang tumayo. Batay sa aking nasaksihan, agad na lumayo paalis si Ric ng session hall nang maki­tang malaki ang kanyang makakalaban. Mabilis na umawat ang ibang mga barangay chairman. (Doris Franche)

ANGELES

ARNEL ANGELES

COUNCILOR RIC IBAY

DITO

DORIS FRANCHE

EXECUTIVE COMMITTEE

MANILA CITY HALL

RIC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with