^

Metro

Suspek sumuko

-

Sumuko ang murder suspect na si Orlando De Leon, 32, matapos na ito ay makunsensiya sa pamamaril at pagpatay sa biktimang si Claro Atacador noong Hunyo 24, 2007 sa bahay ng una sa Navotas City. Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek na nauwi sa pamamaril ng huli. (Lordeth Bonilla)

Taning sa buwis

Meron pang hanggang Pebrero 20, 2009 ang mga negosyante sa Maynila para magbayad ng mga kaukulang lokal na buwis tulad ng business tax o business permit at iba pang kaugnay na obligas­yon. Ginawa ng pamahalaang-lunsod ang hakbang alinsunod sa itina­takda ng Local Government Code of 1991 at para bigyan ng pag­ka­kataon ang maraming bilang ng mga magbabayad ng buwis na na­apek­tuhan ng mahabang bakasyon noong Disyembre. (Doris Franche)

2 binata dinampot

Kasong illegal possession of deadly weapon ang isasampa laban sa dalawang binata na sina Jamil Ruano, 20 at Raymond Temprosa, 20, matapos mahulihan ng mga patalim ng mga nagrorondang pulis at tanod kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Bigla umanong naging mailap ang mga suspek nang makita ang mga pulis at tanod na naging dahilan upang kapkapan ang mga ito hanggang sa mahulihan ng mga patalim. (Lordeth Bonilla)

CLARO ATACADOR

DORIS FRANCHE

JAMIL RUANO

LOCAL GOVERNMENT CODE

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

NAVOTAS CITY

ORLANDO DE LEON

RAYMOND TEMPROSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with