^

Metro

50 bomba nahukay sa US Embassy

- Ni Ludy Bermudo -

May 50 piraso ng lumang bomba ang nahukay sa isang construction site sa com­pound ng United States Embassy sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Sa ulat ng Manila Police District-Explosives and Ordnance Division, lumilitaw na ang mga World War II bombs ang nadis­kubre dakong alas-6 ng gabi kamakalawa sa compound ng embahada sa Roxas Boulevard sa Ermita.

Dahil naman dito, kaagad na pinaalis sa lugar ang mga empleyado at bisita ng embahada at ang mga construction workers na gumagawa sa site para sa kanilang kaligtasan.

Nauna rito, nabatid na naghuhukay ang mga construction worker sa lugar gamit ang isang backhoe para sa pundasyon ng bagong gusali na itatayo sa compound ng embahada malapit sa Manila Bay nang makita nila ang mga bomba.

Kaagad naman nila itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad at nang hukayin ng mga bomb experts ay nakakuha sila ng may 50 piraso ng mga mortar at artillery mula sa site.

Dahil sa dami ng mga nahukay na vintage bombs, naniniwala ang mga awto­ridad na posibleng dating taguan ng mga ammunition ang lugar.

Maaari pa rin umanong sumabog ang mga naturang vintage bombs kaya ma­swerte umanong hindi sumabog ang mga ito.

Posible ring marami pang bomba na nakabaon sa lugar kaya ipagpapatuloy pa rin nila ang operasyon upang marekober ang mga ito.

DAHIL

ERMITA

KAAGAD

MAAARI

MANILA BAY

MANILA POLICE DISTRICT-EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION

ROXAS BOULEVARD

UNITED STATES EMBASSY

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with