^

Metro

IBang lalake ang kasama sa motel, Misis inatado, grabe

-

Agaw-buhay ang isang 34-anyos na gi­nang nang ataduhin ng saksak ng icepick ng kan­yang kinakasama maka­raang maaktuhan ang una ng huli na may ka­samang ibang lalaki palabas sa isang motel kamakalawa ng umaga sa Pasay City.                

Habang isinusulat ito ay inoobserbahan pa sa Philippine General Hos­pi­tal ang biktimang si Estrella Gavito, tindera at residente ng #41 Apolo St., Brgy. San Gregorio Village, Pasay City sanhi ng mga tama ng saksak sa dibdib, leeg at iba pang parte ng katawan nito.

Nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Ernesto Anos, 41-anyos, residente rin ng nabang­git na lugar at live-in partner ng biktima.        

Lumalabas sa imbes­ti­gasyon ni PO3 Simon Respicio Jr. na dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insi­dente sa loob ng bahay ng biktima at ng suspek.       

Bago naganap ang insi­dente, hindi sina­sadya umano ng suspek na makita ang ginang na may kasamang ibang lalaki palabas sa Quirino Lodge sa lungsod ha­bang ang una ay nagla­lako ng kanyang mga pa­ninda sa nabanggit na lugar. Sa halip na mag-eskandalo ay niyaya na lamang ng suspek ang ginang na umuwi at doon na lamang sila mag-uusap.

Ang pag-uusap na­man ng biktima at ng sus­pek ay nauwi sa maini­tang kompron­tasyon hang­gang sa mapuno umano ang lalaki at ku­muha ito ng ice pick saka pinagsasaksak ang ba­bae sa dibdib, leeg at iba pang parte ng kata­wan nito. Nang duguang bu­mulagta ang biktima ay mabilis namang tuma­kas ang suspek subalit agad naman itong na­aresto ng mga rumes­pon­deng ba­rangay tanod. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

APOLO ST.

ERNESTO ANOS

ESTRELLA GAVITO

PASAY CITY

PHILIPPINE GENERAL HOS

QUIRINO LODGE

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN GREGORIO VILLAGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with