^

Metro

Pamangkin ginawang sex slave

-

Isang 36 anyos na mister na si Maximo Llano na matagal nang pinaghaha­nap dahil sa panggaga­hasa sa isa niyang pa­mang­kin ang nadakip ng pulisya kahapon sa Ca­loocan City.

Bandang alas-5 ng umaga nadakip si Llano nang maisipan niyang bumalik sa kanyang bahay sa Villa Crystal, Bagum­bong Dulo sa naturang lunsod.

Nabatid na ilang arrest warrant ang naka­bimbin at naunang ipina­labas ng iba’t ibang korte sa lunsod laban sa suspek.

Umabot sa 29 counts of rape ang iniharap laban kay Llano ng kanyang pa­mangking itinago sa pa­ngalang Rose, nasa hus­tong gulang.

Lumalabas na noong October, 2007, ginawang sex slave ng suspek ang biktima sa loob ng ka­ nilang bahay at nang ma­laman ni Llano na nag­demanda si Rose ay pansamantala itong nag­tago.

Samantala, nadakip ng pulisya ang isang 12-anyos na binatilyong out-of-school-youth makaraan umanong dalawang beses na molestiyahin nito ang kanyang pamangkin na kinder garden pupil sa loob ng kanilang bahay sa mag­kaibang insidente sa Ca­loocan City na iniulat ka­hapon sa pulisya.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Ca­loocan City Police at naka­takdang ilipat sa panga­ngalaga ng Department of Social Welfare ang suspek na si Ruel Alig ng 2nd Avenue­ ng nabanggit na lungsod matapos nitong molestiyahin ang pamang­king itinago sa pangalang Lenlen, 8.

Sa nakalap na impor­masyon sa tanggapan ng Women’s and Children’s Concerned Desk, dala­wang ulit na dinaliri ng suspek ang biktima sa loob ng kanilang tinutu­luyang bahay sa magka­ibang oras at taon. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGUM

BANDANG

CITY POLICE

CONCERNED DESK

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

LORDETH BONILLA

MAXIMO LLANO

RUEL ALIG

SHY

VILLA CRYSTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with