^

Metro

Random drug test, pinahihinto ng CHR

-

Giniit ng Commission on Human Rights (CHR) sa Dangerous Drugs Board (DDB) na huwag na munang ituloy ang nakatakdang pag­pa­patupad nito ng random drug testing sa Pebrero ng taong ito.

Sa isang liham na ipina­dala ni CHR   chairperson Leila de Lima kay Under­sec­retary Edgar Galvante, execu­tive director ng DDB, binig­yang diin nito na makabu­buting mapag-aralan muna nang husto ang proyekto bago maipatupad.

Iginiit ni de Lima na hang­gang kasalukuyan ay wala pang ipinalalabas na impact assessment at evaluation ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno sa isinagawa ring katulad na aktibidad o random drug test sa mga estudyante noong 2003 hanggang 2005.

Ipinaliwanag pa ni de Lima na bagaman nai-presinta ng Department of Health (DOH) nitong nakalipas na Enero 16 ng kasalukuyang taon sa kanilang pulong ang mga kaparaanan para sa naturang drug test, maging ang resulta at ang mga rekomendasyon para sa mas epektibo pang implementasyon, wala naman anyang anumang presen­tasyon kung papano nakatu­long ito sa policy direction ng gobyerno sa pagtugon sa problema sa iligal na droga

Maliban dito, wala rin anyang presentasyon sa panig ng gobyerno kung papano tinukoy, minonitor, isinailalim sa rehabilitasyon at napagbagong-buhay ang mga napatunayang guma­gamit ng iligal na droga.

Naniniwala ang CHR na sapat na panahon ang kaila­ngan para masuring mabuti ang planong ito ng DDB upang mabatid kung ito ba ang sagot para matuldukan na ang operasyon ng iligal na droga sa bansa. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUGS BOARD

EDGAR GALVANTE

ENERO

GINIIT

HUMAN RIGHTS

IGINIIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with