^

Metro

23 patrol cars ipinamahagi ng NCRPO

-

Higit pang mapapalakas ang anti-criminality campaign ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pa­ma­magitan ng 23 mga bagong patrol cars.

Ito ang inihayag kahapon ni NCRPO Chief Director Leo­poldo Bataoil kasunod ng pa­ma­­mahagi sa nasabing mga sasakyan sa iba’t ibang dis­trito at himpilan ng pulisya sa Metro Manila.

Sa ginanap na simpleng seremonya sa himpilan ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, pina­ngunahan ni Bataoil ang distri­busyon ng naturang mga Toyota Innova patrol cars.

Ang nasabing okasyon ay sinaksihan naman nina Rep. Zenaida Angping ng 3rd District ng lungsod ng Maynila at ni Muntinlupa City Rep. Rozzano Rufino Biazon.

Nabatid na ang naturang mga patrol cars ay mula sa kabuuang 664 patrol cars na pinasinayahan nina Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno at PNP Chief Director General Jesus Verzosa kamakailan sa Camp Crame para ipamahagi sa mga himpi­lan ng pulisya sa buong bansa.

Binigyang diin ni Bataoil na higit na magiging epektibo ang serbisyo publiko at pag­tugon sa kriminalidad ng NCRPO opera­tives sa pama­ma­gitan ng natu­rang mga patrol cars. Nabatid na ang Quezon City Police District ay tumanggap ng apat na bagong patrol cars, tigatlo ang mga himpilan ng pulisya sa mga lungsod ng Parañaque at Mandaluyong; tigalawa ang mga police stations sa Maynila, Makati, Pateros, Taguig habang tig-isa naman ang mga himpilan sa Pasig, San Juan,Malabon, Muntin­lupa, Navotas. (Joy Cantos)

BATAOIL

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF DIRECTOR LEO

JOY CANTOS

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with