^

Metro

Detenido sa barangay pinatay?

-

Inaalam ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng isang 26-anyos na obre­rong pansamantalang pinigil sa barangay hall matapos mag­ wala dahil sa kalasingan sa Tondo, Maynila kamaka­lawa.

Isinugod pa sa Gat An­dres Bonifacio Hospital ang bikti­mang si Antonio Maban­sag Jr., binata, construction worker, ng #242 San Se­bastian St., Tondo subalit hindi na umabot nang buhay

Sa ulat ni Det Rick Men­doza ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8 ng umaga, kamaka­lawa nang datnan ni Anita Ma­ bansag, 52, ina ng biktima ang walang malay na anak sa loob ng tanggapan ng Brgy. 122, Zone 9, District 2, Tondo.

Naunang hinuli ng mga tanod ng nasabing barangay ang biktima noong Enero 17, bisperas ng Kapistahan ng Sto. Niño, bunga ng pagwa­wala at sobrang kalasingan

Nang dalawin kinabuka­san ni Gng. Mabansag ay nakita itong walang malay at sinubukang gisingin hang­gang sa itakbo sa ospital kung saan idineklarang dead on arrival.   (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANITA MA

ANTONIO MABAN

BONIFACIO HOSPITAL

BRGY

DET RICK MEN

ENERO

GAT AN

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SAN SE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with