Isang 20 anyos na dalaga na si Cristy Mantia ang dinakip ng pulisya makaraang nakawan niya ng kuwintas na nagkakahalaga ng P27,000 ang kasamahan niya sa bahay na si Eva Posadas sa Block 44, Lot 8, Phase 3C North Bay Boulevard South, Navotas kamakalawa ng gabi. (Lordeth Bonilla)
Matansero itinumba
Isang 43-anyos na matansero o nagkakatay ng baboy ang binaril at napatay ng riding-in-tandem kahapon sa Quezon City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Jaime Capito, may-asawa at residente ng Blk.-7 Philsite Country Homes, Brgy. Bagong Silangan sa naturang lungsod.
Papunta sa trabaho ang biktima nang hindi pa nakakalayo sa kanilang tahanan nang biglang may huminto sa harapan nitong isang motorsiklo lulan ang mga suspek. Agad na pinaulanan ng bala ng baril ang biktima saka tumakas ang mga suspek. (Angie dela Cruz)
Liquor dealer binalaan
Binalaan ng Quezon City government ang mga liquor dealers na mapapatawan sila ng kaukulang penalty kapag hindi sila nag-renew ng kanilang regulatory permits hanggang Enero 20 na deadline para dito. Ayon kay Alberto Galarpe, hepe ng Liquor licensing and Regulatory Board, kailangang mag-renew na ng permit ang mga dealer at seller ng alak para makaiwas sa anumang parusa at multa. (Angie dela Cruz)
Trapik sa Makati
Matrapik ngayon sa Makati City dahil sa isasagawang re-routing sa pagdarausan ng Caracol festival lalo na sa central business district ng lungsod. Sinabi ni Makati Department of Public Safety Director Hermenegildo San Miguel na isasara sa trapiko ang Ayala Avenue mula Makati Avenue hanggang Herrera Street, Paseo de Roxas Avenue mula Sedeno St. hanggang Dela Rosa St. para sa selebrasyon ng Caracol Festival ng pamahalaang lungsod. (Lordeth Bonilla)
Waiting shed babaklasin
Dahil umano “eyesore” at sagabal sa trapiko, sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagbabaklas sa ilang waiting shed sa Epifanio delos Santos Avenue.
Ayon kay MMDA Chairman Bayani F. Fernando, 46 waiting shed sa north at south bound lanes ng EDSA sa pagitan ng Magallanes at Monumento ang babaklasin dahil sumasagabal ang mga ito sa daloy ng trapiko.
Sinabi pa niya na 27 waiting sheds na puno ng billboards ang unang nabaklas noong Biyer nes ng gabi. (Lordeth Bonilla)