^

Metro

Dalaga tiklo sa nakaw

-

Isang 20 anyos na dalaga na si Cristy Mantia ang dinakip ng pulisya makaraang nakawan niya ng kuwintas na nagkakahalaga ng P27,000 ang kasa­mahan niya sa bahay na si Eva Posadas sa Block 44, Lot 8, Phase 3C North Bay Boulevard South, Navotas kamakalawa ng gabi. (Lordeth Bonilla)

Matansero itinumba

Isang 43-anyos na matansero o nagkakatay ng baboy ang binaril at napatay ng riding-in-tandem kahapon sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jaime Capito, may-asawa at residente ng Blk.-7 Philsite Country Homes, Brgy. Bagong Silangan sa naturang lungsod.

Papunta sa trabaho ang biktima nang hindi pa nakakalayo sa kanilang tahanan nang biglang may huminto sa harapan nitong isang motorsiklo lulan ang mga suspek. Agad na pinaulanan ng bala ng baril ang biktima saka tumakas ang mga suspek. (Angie dela Cruz)

Liquor dealer binalaan

Binalaan ng Quezon City government ang mga liquor dealers na mapapatawan sila ng kaukulang penalty kapag hindi sila nag-renew ng kanilang regulatory permits hanggang Enero 20 na deadline para dito. Ayon kay Alberto Galarpe, hepe ng Liquor licensing and Regulatory Board, kailangang mag-renew na ng permit ang mga dealer at seller ng alak para makaiwas sa anumang parusa at multa. (Angie dela Cruz)

Trapik sa Makati

Matrapik ngayon sa Makati City dahil sa isasa­gawang re-routing sa pagdarausan ng Caracol fes­tival lalo na sa central business district ng lungsod. Sinabi ni Makati Department of Public Safety Director Hermenegildo San Miguel na isasara sa trapiko ang Ayala Avenue mula Makati Avenue hanggang Herrera Street, Paseo de Roxas Avenue mula Sedeno St. hanggang Dela Rosa St. para sa selebrasyon ng Caracol Festival ng pamahalaang lungsod. (Lordeth Bonilla)

Waiting shed babaklasin

Dahil umano “eye­sore” at sagabal sa tra­piko, sinimulan na ng Metropolitan Manila De­velopment Authority ang pagba­baklas sa ilang waiting shed sa Epifanio delos Santos Avenue.

Ayon kay MMDA Chair­man Bayani F. Fer­nando, 46 waiting shed sa north at south bound lanes ng EDSA sa pa­gitan ng Magallanes at Monumento ang ba­baklasin dahil sumasa­gabal ang mga ito sa daloy ng trapiko.

Sinabi pa niya na 27 waiting sheds na puno ng billboards ang unang nabaklas noong Biyer­ nes ng gabi. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALBERTO GALARPE

ANGIE

AYALA AVENUE

AYON

BAGONG SILANGAN

BAYANI F

LORDETH BONILLA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with